“Pangarap”

Magsisimula ng taos pusong pagkukumbaba
Bawat bagay na nadaanan, binibigyang halaga
Kahit minsa'y loob napupuno ng sama
Magiisip, magsisipag upang gawing tama
Unti-unting dumadami ang nagtitiwala
Kahit pangarap ay sing taas ng mga tala
Basta't alam mong lalaban ka ng may kasama
Pagkaroon ng pangarap ay di masama
Laking pasalamat kung ako'y palarin
Mabubuting pagiisip, pananalita, at gawain ang sinasalamin
Malayo, malapit pipiliting makarating
Papunta sa dulo, sa lugar na ating hangarin

“Balikbayan”

Heto namaman ang muling pag-alis
Hindi mapigilan ang luhang dumadaplis
Hindi pa alam kung gaano kabilis
Makakabalik sa minamahal, sa bayang ninanais
Luluwas nang may pamilyang iiwanan
Ibubulsa muna ang araw-araw na tawanan
Panigurado hanggang dulo, panghahawakan
Mga aral na kailan may di malilimutan

Mahirap pagdaanan, hindi madali
Mawalay, malayo sa iyong mga tabi
Ngunit kailangan munang ipasintabi
Matatamis na salitang minsan lang masabi
Kulang ang linggo, buwan, at taon
Upang magkaroon ng pagkakataon
Makasama ka mula't ngayon
Susulitin nalang ang panahon

“820”

Magsisimula sa alalang di maisantabi
Sapagkat bawat tao'y kanya kanya ang sabi
Nagmistulang ginto ng nakadakit na balani
Ngunit lumisan na't balikan pa'y hindi maari
Nagwakas na tila de kolor na kupas
Dagitab ng puso't damdamin ay bawas
Mga balakid na unti-unting tinahi na parang butas
Oh bagito, paumanhin sapagkat ika'y minalas
Bawat bigkas ay galing sa unang panauhin
Huli na ang lahat, hindi na matamong sabihin
Kontra ang tadhana sa ating pag-amin
Isang binibining hindi na dapat pang paikutin
Bawat handog, kaloob binigyang silbi
Di na hinintay at inasahang gumanti
Hangad pa ba'y palaring sayo mapatabi
Mga isipang nabuo nang isara ko ang pinto ng 820

“Perya”

Kasiyahan, kalungkutan
Katuwaan, kapighatian
Itong lugar na aming timumbok
Tabing ilog na alimuso'y nakakasulasok.

Araw ng pasko nang kami'y dumatal
Natagalan sapagkat nakaranas ng sagabal
Pagsalat ng kasiyaha'y manatili sa amin
Na tila mantsang hindi na kayang tanggalin.

Bata, matanda, may asawa o wala
Naglalaro, naglalakad, kumakain sa dampa
Libo libo ang tao, maari kang mawala
Insan, insan tumangan ka't maniwala.

Piso, trenta, kwarenta, sikwenta
Gamitin, sulitin, ika'y makiisa
Nagmimistulang paligsahang, paunahang magdulay
Naguumapaw kasiyahan kapag ika'y nagtagumpay.

Kumilos alinsunod nang di mabigo
Pawiin ugaling naninibugho
Manirahan sa piling ng kaligayahan
Wag magpakumpit sa larong di maasahan.









“Pintong Bubukas”

Pintong bubukas, paano magsisimula
Gulo ang isipan, puno ng pananalita
Maghanda sa makulit at matalim kong dila
Madidinig mo ang mga katagang hindi pa nababalita

Pintong bubukas, ano ang bubungad
Sasalubungin ng nakakabinging katahimikan
Isang silid na may apat na sulok
Pansamantalang makakalimutan ang iyong mga pagsusubok

Pintong bubukas, mayroong naka-itim
Nagiisip, Nagsusulat, Nagpapahinga ng taimtim
Pumasok at bigyan ito ng katanungan
Na kanyang sasagutin mula sa silyang inuupuan

Pintong bubukas, pagmasdan ang paligid
Mga tunog at malamig na hangi’y umaaligid
Katahimikan ang puhunan, Palaisipan ang panglaban
Huwag kalimutan buksan ng dahan-dahan

Pintong bubukas, pano mag wawakas
Tatlong araw nanirahan, magiiwan ng bakas
Isinulat, sinimulan ng mayroong paksa
Tatapusin, uudlutin ng may kasaman lagda